Nakakatuwang isipin na may programang tulad ng Alternative Learning System upang tugunan ang lumalalang problema sa Edukasyon ng ating bansa. Napakaraming mga nagsipaghinto na sa pag-aaral, mga out-of-school youth, na bagama't nais pa ding makapagtapos, ngunit dahil may edad na o hindi alam na may ganitong programa ang DEPED, ay nananatili na lamang sa kasalukuyan nilang kundisyon. Sa katunayan, marami sa kanila ang nais talagang makapagtapos ng pag-aaral. Marami sa kanila ang nais matapos sa kolehiyo. Marami sa kanila ang talagang gustong bumalik sa pag-aaral, ang iba ay nahihiya lamang, ang iba ay di lang napapaliwanagan at ang iba naman ay kailangan lamang sabihan na may ganitong programa.
Mahirap kung sa mahirap.... hindi lahat ng mga out-of-school-youth ay naaabot ng ganitong impormasyon. May sitwasyon naman na kahit alam na nila na may ganitong programa at nakapagenroll na sila, bigla naman silang nawawala. May iba't-ibang dahilan. Pero sa ganitong klaseng kundisyon, dapat pumapasok ang mapagpasensiya at pursigidong ugali ng mga Instructional Manager (IM), dahil hindi ibig sabihin na huminto ang bata, ay dapat tantanan na din ng IM ang bata, HINDI!... Hanggat maaari ay patuloy na i-follow up ang bata, kailangan nila ng patnubay at puspusang pagpapayo. Kailangan ng mga kabataang ito ang patuloy nating pag-gabay bilang mga IM. Kailangan nating maiparamdam sa kanila at maipaunawa ang kahalagahan ng programang ito.
Kaya natin ito mga IMs...
Kaya natin ito mga Learners...
Kaya malampasan ng Pilipinas ang problema sa kakulangan ng Edukasyon!